Friday, April 29, 2005

fear

okay, are u ready for another highly emotional episode?

sorry, that's in another channel. dahil ngayong week ay lubos akong natakot. kaya, ito ang topic natin.

magrereview muna ako ng mga phobia ko at kung anong kabuluhan nun sa week na ito.

SPIDERS: Arachnophobia
ewan ko ba kung bakit may mga taong di takot sa gagamba, lalo na yung malalaki at sobrang mabuhok.. ang creepy naman kasi at tipong "psycho" ang mga spiders...kasi feel ko ay i-aattack nila ako pag lumapit ako sa kanila [despite parents' motivation: wag ka matakot, takot sa iyo yan]. ngayong week (kahapon) ay naencounter ko ang isa sa pinakamalaking spider na nakita ko.. as in naglalaro kami ng king-five-ten ng biglang..."ang laki ng gagamba o!!!" at syempre expected kong size ay mga 3 inches in diameter lang but no!!! 3 inches, radius pa lang un. tapos syempre nagsumigaw naman si doodz.. at napamura pa ako kasi ayaw patayin ni lovely ang spider agad...entertained pa sya kay doodz. fast fact lang: hindi ako maliligo kung hindi aalis ang spider sa banyo. pero pinatay rin nya yun. imagine kung ano mukha ko nun. semi maputla, semi mapula--gets? o basta nakatalukbong ako sa kumot. fear rating: horrendous!!! (wala lang, cute yung word)

DOGS: Cynophobia
actually linggo-linggo naman ay may encounter ako sa mga aso, whether good or bad. etong fear na ito ay controlable naman. pag kilala ko ang aso, mas sa kilala ny ako, hindi ako takot, or siguro less apprehensive ako. pero pag alam ko talaga na ma-angst ang aso at di nya ako kilala, di na ako magtetake ng risk. sayang naman no...mahal ko ang body parts ko. fast fact: kung papunta ako sa isang place at may aso sa daan, kahit 50 meters na lang un, babalik pa ako, at di na tutuloy, unless may kasama. [no encounter this week] fear rating: stupid, but essential...

FIREWORKS: [ugh! there isn't a name for it!]
weird, but possible. ewan ko siguro nag-originate ito sa kakapaputok ng kapitbahay namin taon taon twing new year. feel ko nga umaabot ng 1000 kg ang napapaputok nila in 5 years e..as in ang dami talaga, at malakas, sabaysabay at patawa pa nila yun ginagawa. maganda naman ang fireworks...totoo... pero ayoko lang na masyado malapit. sobrang nega- ko pa sa ganito kasi feel ko may faulty firework na mag-puplunge sa audience or something... [no recent incident] fear rating: makes my relatives sick of me for as long as i know

sa ibang parte naman ng mundo.. ako ay may 2 exam ngayong week at syempre, natakot din naman ako, kasi nung tinanaong namin kung madali ba o mahirap magbigay si sir regio ng exam, e mahirap daw! si maam sotto naman ay epitome na ng mahirap na exam. so, review naman ako, at lalo na sa es 21, na sobrang inaral ko...(liar!) rating: did not meet expectations...

madali yung mga exam...in he sense na di yun ang expected difficulty ko.. pero masaya ako kasi nakapagprepare ako for the worse, at helpful naman. at 79 ako sa es 11...kaso gusto ko pa magpadagdag ng points, kasi feel ko tama ako sa ilang bagay..(sayang naman) pero the week had passed at di pa ako nakakapagtanong kay sir kasi i'm shy...not to mention na maaaring magalit sya sa akin...

meron pa, kasi yung sa es 21 namin ay managable naman. read:maaga ako natapos. so, tinamad ako at nagdrawing sa papel. as in sa test paper. [jugoink! what the hell..] at nagdrawing ako ng sea creatures. turned out, dun pala yung part na nilalagyan ng score. so patay...[scared to death] isa pa, napalapit na naman ako kay maam sotto (in a bad way, i guess) dahil nga ako yung nagsulat ng "bakit ang hirap ng bonus??" essay sa test paper... at spinecial mention yun ni maam sa 7-9 na klase nya...[can i transfer now? is it too late?]

ah, basta.. fear is just in the mind. pero lahat naman ng tao ay may takot e...iba iba lang. at least di ako takot sa papel, o sa tubig, o sa chocolates! (quite the contrary)

Saturday, April 23, 2005

malungkot..

hayy...grabe as in to the nth level ang lungkot..

pano naman kasi pinagalitan na naman ako.

kasi di ko daw 'pinatulog' si kuya sa bahay sa knl, e kasi may lss (activity) sya sa ateneo ngayong weekend. e as in boung weekend talaga un, kulang na lang mag-overnight sya dun.. so, ang pinakamalapit na pwede nya tulugan ay ang bahay nga sa knl. nagsabi naman sya sa akin nung last week ata at last last week. sabi ko bahala sya kasi nga uuwi ako ng munti sa friday, at wala ako dun. luckily may natulog naman dun kahapon kaya ok naman.. ang problema e yung ngayong gabi.. so naisip naman un ng magulang ko, at ayun nga pinagalitan ako.

bakit daw di ko naman sinamahan ung kuya ko dun..e pag ako daw nagpadala sa kanya ng stuff na naiwan ko sa munti ay dinadala naman nya. or kahit daw ipniahiram ko sa kanya ang susi sa bahay man lang.. okay mali nga ako...at ngayon ay nagaalala na rin ako sa kung anong mangyayari kay kuya at sa kung saan sya matutulog. pano naman kasi wala syang cellphone, at kung kailangan naman nyang macontact ay di pwede kasi saan nga naman... so pano un? isa pa, syempre kahit sya yung nangangailangan ineexpect siguro nya na kami ang gagawa ng paraan para macontact sya...ang crab! pag ako naman ay nagpapahatid ng stuff talagang tumatawag pa ako sa payphone ah...e sya, parang gusto nya goes without saying na..

ang pinakakasalanan ko dito ay nawala talaga sa isip ko na dun sya magsestay ngayong weekend. at di rin naman nya ako kinontact at niremind ako...aba, akin pa bang trabaho un. marami din naman akong iniintindi. at magulo rin isip ko. alam naman ata ng parents ko un e. kaso hindi naman nila pinapansin un. basta alam kong alam nila na eengot engot itong anak nila. na hindi ako marunong gumawa ng mga important decisions, at di ko alam kung ano ang mga dapat iprioritize. pero ano naman ginagawa nila?? wala. pinapabayaan lang nila ako. kung may subject lang na nagtuturo ng mga ganitong bagay e di kinuha ko na..

at syempre nagsalita rin si papa tungkol dito. at as usual na connect na naman nya un sa past kasalanan ko. kasi di ko sya napag-e-mail. e anong gusto nya, ie-mail ko sya e wala naman akong internet card? mali ung timing nya na nagpae-mail sya kakaubos lang ng internet card ko.. at syempre ako na naman ung may kasalanan nun. at kinunect na naman nya un sa present na nangyari tungkol kay kuya. na inconsiderate daw ako, at ayaw ko magsacrifice para sa iba, lalo na kuya ko...blah.. at sabi pa nya, mali daw ang pagpapalaki nila sa akin kasi di daw ako natuto na maging considerate nga at isipin ang iba. [actually, partly false yon, kasi sino bang di naglalunch minsan dahil kailangan mapagkasya ang perang galing sa scholarship, na ako ang nagmemaintain----sasabihin naman nila na ang kapal na ng mukha ko at nagmamataas ako, pero face it, totoo namang utmost sacrifice ako]

so un nga sabi nga nya na mali daw pagpapalaki nila. pano na un? tapon na lang nila ako at try ana lang nilang maging better parents sa iba kong mas batang kapatid? pwede bang trial and error sa parenting? hinde! tao ang involved dito. maghiwalay nga lang ung parents sobrang life changing na sa anak... syempre, parents ang nagsasabi kung anong magiging character nga anak nila paglaki, sila ang nagtuturo nun di ba? so pano na ako? e parang rough draft lang ba ako..? at take note, malamang-lamang iniisip nilang kasalanan ko pa ito. ah kasi bakit ba ako pinanganak? di naman talaga sila ready sa akin. unwanted child nga ako, at sa kuya ko pa nanggaling un [dont get me wrong, mabait naman si kuya]. siguro nga ay nafifeel ko rin ngayon ang nafifeel ko nung nasa tiyan pa ako---unwanted.

kay kuya naman. okay naman sya e. matalino, at mabait. mahal na mahal ng ako nun e. at di ko sya kinakahiya. kay ang sakit sakit nung sinabi ni mama sa akin ana kinakahiya ko daw si kuya sa school. e hindi naman talaga. tanungin pa nya sa bahay, or sa ibang classmates ko. alam nila kay kuya ay taga-pisay sya, at consistent US sya...at sobrang taas ng tingin ko sa kanya...pero ang totoo nyan ay kuya ko ang may sabing kinakahiya ko sya. kasi pagpinapakilala nya ako sa mga friends nya (na bs chem) ay parang ngang nahihiya ako. siguro nafifeel nya na kinakahiya ko sya...but NO! mahiyain lang talaga ako, at madalas ay na-o-awkwardan ako sa mga ganong sitwasyon...at pagnagkikita naman kami ay nagmamadali ako, so siguro dun, ganun, kaya...

but wait, bakit ko naman pinagsasabi ang mga ganitong bagay...may balak ba akong mag-suicide? hindi no!! wala lang baka kasi masira ulo ko pagkinimkim ko lahat...delikado pa naman pag ganon..

wala lang.. siguro mejo galit nga ako.. at syempre malungkot. kung ako nga ay 'what went wrong' child sa pamilya, aba e, problema ko na yun...at di sa kanila. yun ang malungkot dun.

Friday, April 22, 2005

crab at shampoo

akalain mong pwede pa lang subject ang shampoo..hehe.. wala lang kasi nanonood ako ng tv at napanood ko ang rejoice commercial (self combing!!!)... mukha namang ok ung shampoo pero ang rejoice ay nakakabalakubak!! (accdg to experience) kung dandruff shampoo naman, mejo harmful din sa buhok.. so wala talagang perfect shampoo para sa akin.. hehe... ganon talaga... eh pero ang ikli ikli lang ng buhok ko...bakit ko ba pinoproblema ang bagay na ito.. tugoink! *batok sa sarili*

so, syempre mag-iiba na ako ng subject.. hmmm... ang crab talaga ng mga tao...kasi kahapon ay nagbridge kami sa bahay (knl) e di syempre ang engot ko at kung anoano na lang ang tinitira kong cards...eh sorry...bobo ako sa mga ganyan eh, o siguro wala lang ako sa tamang pag-iisip sa paglalaro nung araw na iyon..wala lang...na-hurt lang ako..pero ok na.

ang crab ng es 21!! ang hirap at ang hirap ng examples, homeworks, etc. ang nagustuhan ko lang dun e ung cramer's rule at LU stuffs..pero ewan ko ba.. ang saya saya pa rin ng bente uno kahit sobrang lost ako... hehe.. ang onse naman okay lang...parang papasa naman ako...aral na nga ako ng aral e.. sana lang wag na sya humirap pa.. at di ako masyado inaantok kasi naghahabol ako ng notes.. kanina lang kasi nakahabol na ako... mejo inantok ako.. ewan ko ba!! at nag-extend pa si sir ng 10 minutes ata.. ***test na sa monday!!***

isa pang crab..nagkainan dito sa bahay nina lola kahapon kasi 57th anniversary ni lolo at lola.. tapos syempre maraming foods... at totoo ngang maraming food...pero wala nang natira para sa akin...kasi naman ngayon lang ako umuwi...pero meron palang tira as in 0.02 moles of carbonara na lang ata un...marami pang ice cream...ube naman!! pinaka-ayoko pang flavor..(zzzzz) ang crab no!! syempre...ganon talaga..[nagmumukha akong matakaw no??]

crab, pero hindi talaga... nung isang umaga ay nag-stall ako sa paliligo kasi ung spider sa banyo ay nagpaka-active na naman...as in dun sya sa may pinto...nung ako na ung maliligo nagtatakbo ba naman all over the wall...buti na lang at lumabas din ng banyo at nagtago around the ref... at nakaligo din ako.. kagabi naman...may lumipad na ipis papasok sa bahay...si shie lang ung nasa sala at natural, nagfreak out sya... pero di tulad ni doodz na mala-Darna! tumili... at ewan kung saan nagescapades ang ipis na yun basta nawala din.. at samantalang nagbabanta ung ipis na un, nakakita si zsappy ng oh-so-large bulate sa banyo...at minurder naman ni lovely + shie un with asin...hehe.. puro critters...ick!

at syempre ang crab ko at ng ibang mga tao pa. kasi naman lagi kaming nagtutuksuhan sa bahay.. st syempre si zsappy ang pinakatinutukso dahil 14++ ang naging o speculated na crush nya... at kasama pa nun ang mga 'kakilig' na love songs na nagiging loveteam songs... syempre, si doodz ang may pinakamaraming kaloveteam...hindi lang masyadong masaya asarin un kasi wala si lucky.. (sori!)

at syempre, ang dami daming word na syempre sa entry na ito...bilangin nga! tapos comment kayo or type type sa chatterbox...uy, wala lang.. daldal ko talaga..

ang crab ng mga amerikano!! kasi naman bakit di nila tanggalin si scott sa american idol!! di ba dapat sya ang matanggal?? wag na nila dapat un iboto... tsaka si anthony! baka naman umabot pa sa finale un...(mala-clay aiken daw kasi sya kaya maraming bumoboto) :)

buhay talaga...sana mabili ko ang tamang shampoo.. at sana pumasa akong maluwalhati sa onse at 21!! yehey!!! mabuhay ang pillows!! mabuhay ang c2!! profit generating talaga! (uy akala nyo lang malaki tubo sa c2, but no!! kasi bumibili pa ng ice para lumamig...so mejo konti lang din ang tubo!)

mabuhay ang oishi! paborito ni lovely..

Sunday, April 10, 2005

father goes home

nung last sunday, mga 10 am na ako nagising... as in diretso na talaga ako sa harap ng tv...at nanaonood sila ng CNN..

namatay na nga si pope.. kasi ilang araw na rin naman syang in critical condition.. at siguro nga ay panahon na nya..:(

i admire him, kasi pro-life talaga sya, as in anti-abortion, anti-contraception at anti-divorce din... hayy...sana ung next pope ganon din..

isa pa, napaka-peace-loving ni pope john paul II.. at kahanga hanga dahil nagpunta sya sa mga countries na delikado, gaya ng haiti (ata) noong may war doon..at sa isan g muslim country, o jewish ba?? basta... tapos pinatawad din nya yung bumaril sa kanya...

wala lang...sobrang nakakabless talaga sya...

hmm..hehe...ito pala ang list of popes from 32 a.d. to 2005.. medyo in order ito...galing sa time magazine [hayy....wala kasi akong magawa]

st. peter, st. linus, st. anacletus, st. clement I, st. evaristus, st. alexander I, st. sixtus I, st. telesphorus, st. hyginus, st. pius I, st. anicetus, st. soter, st. elutherius, st. victor I, st. zephyrinus, st. callistus, st. urban I, st. pontain, st. anterus, st. fabian, st. cornelius, st. lucius I, st. stephen I, st. sixtus II, st. dionysius, st. felix I, st. eutychian, st. caius, st. marcellinus, st. marcellus I, st. eusebius, st. militiades, st. sylvester I, st. marcus, st. julius I, liberius, st. damasus, st.siricius, st. anastacius I, st. innocent I, st. zosimus, st. boniface I, st celestine I, st. sixtus III, st. leo I, st. hilarius, st. simplicius, st. felix III (II), st. gelasius I, anastasius II, st. symmachus, st. hormisdas, st. john I, st. felix IV (III), boniface II, john II, st. agapetus I, st. silverius, vigilus, pelagius I, john III, benedict I, pelagius II, st. gregory I, sabinian, boniface III, st. boniface IV, st. deusdedit, boniface V, honorius I, severinus, john IV, theodore I, st. martin I, st. eugene I, st. vitalian, adeodatus, donus, st. agatho, st. leo II, st. benedict II, john V, conon, st. sergius I, john VI, john VII, sisinnius, constantine, st. gregory II, st. gregory III, st. zachary, stephen II, stephen III, st. paul I, stephen IV, adrian I, st. leo III, stephen V, st. paschal I, eugene II, valentine, gregory IV, sergius II, st. leo IV, benedict III, st. nicholas I, adrian II, john VIII, marinus I, stephen VI, formosus, boniface VI, stephen VII, romanus, stephen VII, john IX, theodore II, benedict IV, leo V, sergius III, anastasius III, lando, john X, leo VI, stephen VIII, john XI, leo VII, stephen IX, marinus II, agapetus II, john XII, leo VIII, benedict V, john XIII, benedict VI, benedict VII, john XIV, john XV, gregory V, sylvester II, john XVII, john XVIII, sergius IV, benedict VIII, john XIX, benedict IX, sylvester III, benedict IX, gregory VI, clement II, benedict IX, damasus II, st. leo IX, victor II, stephen X, nicholas II, alexander II, st. gregory VII, victor III, urban II, paschal II, gelasius II, callistus II, honorius II, innocent II, celestine II, lucius II, eugene III, anastasius IV, adrian IV, alexander III, lucius III, urban III, gregory VIII, clement III, celestine III, innocent III, honorius III, gregory IX, celestine IV, innocent IV, alexander IV, urban IV, clement IV, gregory X, adrian V, innocent V, john XXI, nicholas III, martin IV, honorius IV, nicholas IV, st. celestine V, boniface VIII, benedict XI, clement V, john XXII, benedict XII, clement Vi, innocent Vi, urban V, gregory XI, urban VI, boniface IX, innocent VII, gregory XII, martin V, eugene IV, nicholas V, callistus III, pius II, paul II, sixtus IV, innocent VIII, alexander VI, pius III, julius II, leo X, adrian Vi, clement Vii, paul III, julius III, marcellus II, paul IV, pius IV, st. pius V, gregory XIII, sixtus V, urban VII, gregory XIV, innocent IX, clement VIII, leo XI, paul V, gregory XV, urban VIII, innocent X, alexander VII, clement IX, clement X, innocent XII, clement XI, innocent XIII, benedict XIII, clement XII, benedict XIV, clement XIII, clement XIV, pius VI, pius VII, leo XII, pius VIII, gregory XVI, pius IX, leo XII, st. pius X, benedict XV, pius XI, pius XII, john XXIII, paul VI, john paul I, john paul II

pope, father...see you...and thanks.

reunion

ito ay parallel dun sa latest entry ko sa kabila...hehe...wala lang...

hmm...kagabi ay nagkita kita na anamn kaming munsci 03 pero exaj!!! di lahat...syempre nagulat nalaman nyang may bf na si inay gayle(sino??? e di si itay..)..
si lovely namnaman si doodz nung an, inatake na naman ng kapal ng mukha...hehe

hmm... sabi ni zy, pupunta na daw silang states, sa N. Carolina daw...as in dun na sila... syempre, sad..hmmmm.... sana si -toot- na lang ang mangibangbayan...joke...

a basta..so kita kits naman mga tao..wala lang... si bernie..eh grabe kaklase ko yan sa chem eh...so all in all, wala namang very eventful na nangyari..aside from the fact na PERA na naman ang ikinapanalo ng mr munsci... parang umm...ung si joma...pero sa bagay...60% ung cash thingy...at hindi students, kundi PTA ang may pakana nun...kasi kung kami lang... eh mas malaki ang talent, at may Q and A portion!!

speaking of pageants...kahapon ay nakanood ako ng ms ASEAN pageant!! syempre pinay ang nanalo...kasi obvious naman...sa ms world at universe laging pilipinas ang napipili sa top 10 na galing asean, so malamang...tsaka, talbog silang lahat sa Q and A kasi in english ang sagot, eh ang galing ng Pilipino sa english, ung thai nga e..parang bata mag english...so talo sya..at mas magaling pa ung ms philippines sa hosts mag english...taga indonesia ata ung hosts...

hayun, nagsayaw ung 3rd batch pero konti lang, sina reya at sina kalil lang.. tapos...nakakagulat kasi yung nasa harap na magaling sumayaw ay si micmic (ahem!) at syempre nabuhay ang dugo ng may crush sa kanya...plus nagkaroon pa sya ng additional na fans..pero in fairness..magaling nga sya sumayaw..nakakagulat lang, kasi parang dati e wala wala lang..

hmm...di ko nga kilala kung sino nanalo basta hindi yung batang mas magaling pa yung back-up dancers..sabi ko nga kay shie, kapag sumali yung kapatid nya sa pageant, sya ang back-up dancer!!! hehe..

nagtanong pala si abiog kung kelan yung reunion namin, as in ung totoo...baka daw pag 52 years old (50 ako hehe) na sila yun magmaterialize..hehe..basta!! acads muna priority ng lahat..

nakakainis...nakalimutan ko na sabado pala kahapon...so wala kaming cwts...eh kasi ako yung taga tanong kung saan kami pupunta...so wala..

found it!!

alam ko na!! alam ko na kung bakit gusto ko ang blog na ito!! i want to ahve more fun...kumbaga mas emotional ang ajarofcookies, at ito mas masaya...mas free... mas galing sa isip ko kesa sa puso, o sa experience..

kaya nga, napagpasyahan ko na mag tagalog at english dito...kasi ganon naman ako...halo..

so, hello ulit! wala lang...promise...mas masaya to kesa sa kabila pero in the sense na less serious...un lang.

:)

Saturday, April 02, 2005

beautiful

i dont know why i needed this... but it existed.. now, i have my hands full.. 8)