Saturday, April 23, 2005

malungkot..

hayy...grabe as in to the nth level ang lungkot..

pano naman kasi pinagalitan na naman ako.

kasi di ko daw 'pinatulog' si kuya sa bahay sa knl, e kasi may lss (activity) sya sa ateneo ngayong weekend. e as in boung weekend talaga un, kulang na lang mag-overnight sya dun.. so, ang pinakamalapit na pwede nya tulugan ay ang bahay nga sa knl. nagsabi naman sya sa akin nung last week ata at last last week. sabi ko bahala sya kasi nga uuwi ako ng munti sa friday, at wala ako dun. luckily may natulog naman dun kahapon kaya ok naman.. ang problema e yung ngayong gabi.. so naisip naman un ng magulang ko, at ayun nga pinagalitan ako.

bakit daw di ko naman sinamahan ung kuya ko dun..e pag ako daw nagpadala sa kanya ng stuff na naiwan ko sa munti ay dinadala naman nya. or kahit daw ipniahiram ko sa kanya ang susi sa bahay man lang.. okay mali nga ako...at ngayon ay nagaalala na rin ako sa kung anong mangyayari kay kuya at sa kung saan sya matutulog. pano naman kasi wala syang cellphone, at kung kailangan naman nyang macontact ay di pwede kasi saan nga naman... so pano un? isa pa, syempre kahit sya yung nangangailangan ineexpect siguro nya na kami ang gagawa ng paraan para macontact sya...ang crab! pag ako naman ay nagpapahatid ng stuff talagang tumatawag pa ako sa payphone ah...e sya, parang gusto nya goes without saying na..

ang pinakakasalanan ko dito ay nawala talaga sa isip ko na dun sya magsestay ngayong weekend. at di rin naman nya ako kinontact at niremind ako...aba, akin pa bang trabaho un. marami din naman akong iniintindi. at magulo rin isip ko. alam naman ata ng parents ko un e. kaso hindi naman nila pinapansin un. basta alam kong alam nila na eengot engot itong anak nila. na hindi ako marunong gumawa ng mga important decisions, at di ko alam kung ano ang mga dapat iprioritize. pero ano naman ginagawa nila?? wala. pinapabayaan lang nila ako. kung may subject lang na nagtuturo ng mga ganitong bagay e di kinuha ko na..

at syempre nagsalita rin si papa tungkol dito. at as usual na connect na naman nya un sa past kasalanan ko. kasi di ko sya napag-e-mail. e anong gusto nya, ie-mail ko sya e wala naman akong internet card? mali ung timing nya na nagpae-mail sya kakaubos lang ng internet card ko.. at syempre ako na naman ung may kasalanan nun. at kinunect na naman nya un sa present na nangyari tungkol kay kuya. na inconsiderate daw ako, at ayaw ko magsacrifice para sa iba, lalo na kuya ko...blah.. at sabi pa nya, mali daw ang pagpapalaki nila sa akin kasi di daw ako natuto na maging considerate nga at isipin ang iba. [actually, partly false yon, kasi sino bang di naglalunch minsan dahil kailangan mapagkasya ang perang galing sa scholarship, na ako ang nagmemaintain----sasabihin naman nila na ang kapal na ng mukha ko at nagmamataas ako, pero face it, totoo namang utmost sacrifice ako]

so un nga sabi nga nya na mali daw pagpapalaki nila. pano na un? tapon na lang nila ako at try ana lang nilang maging better parents sa iba kong mas batang kapatid? pwede bang trial and error sa parenting? hinde! tao ang involved dito. maghiwalay nga lang ung parents sobrang life changing na sa anak... syempre, parents ang nagsasabi kung anong magiging character nga anak nila paglaki, sila ang nagtuturo nun di ba? so pano na ako? e parang rough draft lang ba ako..? at take note, malamang-lamang iniisip nilang kasalanan ko pa ito. ah kasi bakit ba ako pinanganak? di naman talaga sila ready sa akin. unwanted child nga ako, at sa kuya ko pa nanggaling un [dont get me wrong, mabait naman si kuya]. siguro nga ay nafifeel ko rin ngayon ang nafifeel ko nung nasa tiyan pa ako---unwanted.

kay kuya naman. okay naman sya e. matalino, at mabait. mahal na mahal ng ako nun e. at di ko sya kinakahiya. kay ang sakit sakit nung sinabi ni mama sa akin ana kinakahiya ko daw si kuya sa school. e hindi naman talaga. tanungin pa nya sa bahay, or sa ibang classmates ko. alam nila kay kuya ay taga-pisay sya, at consistent US sya...at sobrang taas ng tingin ko sa kanya...pero ang totoo nyan ay kuya ko ang may sabing kinakahiya ko sya. kasi pagpinapakilala nya ako sa mga friends nya (na bs chem) ay parang ngang nahihiya ako. siguro nafifeel nya na kinakahiya ko sya...but NO! mahiyain lang talaga ako, at madalas ay na-o-awkwardan ako sa mga ganong sitwasyon...at pagnagkikita naman kami ay nagmamadali ako, so siguro dun, ganun, kaya...

but wait, bakit ko naman pinagsasabi ang mga ganitong bagay...may balak ba akong mag-suicide? hindi no!! wala lang baka kasi masira ulo ko pagkinimkim ko lahat...delikado pa naman pag ganon..

wala lang.. siguro mejo galit nga ako.. at syempre malungkot. kung ako nga ay 'what went wrong' child sa pamilya, aba e, problema ko na yun...at di sa kanila. yun ang malungkot dun.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home