Friday, November 02, 2007

The LTS/Ilocos Tour Post

Mahirap talaga magsulat kapag overwhelmed ka with emotions, which is why I have this blogpost in Taglish, as it comes out. As in wala nang translation, basta kung ano lumabas, yun na. Pero hindi pala, siyempre filtered out yung masyadong personal, or hindi dapat sinasabi sa blog.

Anyway, nagsimula ang lahat nung umalis kami ng Ilocos. Wala lang, naisip ko lang na aalis na kami and there is a big possibility na hindi na kami magkikita-kita (yung other school friends). Tapos nagwander ang isip ko sa graduation, etc. Well, ganun talaga ako mag-isip, parang sa charades, one thought leads to another hanggang sobrang layo na. In this case, na-aggravate lang yung kalungkutan ko kasi naisip ko na nga yung mga hiwalayan (physical, etc.) na mangyayari after 6 months. Ayun, parang ang dami kung issues sa pag-graduate no? Ayaw ko pa talaga. I mean, I want to earn money, and lose the academic responsibilities, pero ang sarap kasi ng feeling sa school. Napaka-devoid of all adult worries. Pwede kayang magbreak muna ako ng 2 years? As in floating schoolkid lang? Para kasing napakmature na ng pagtatrabaho, and I honestly don't think I have the maturity to be a part of the working force. Not entirely my fault. Pero itong 'I don't wanna graduate yet' stuff ay part lang. Basta ayun, ganun.

-----
Napakasaya ng LTS. And Ilocos Tour. Gusto ko lang muna magpasalamat sa mga taga-MMSU (na ChE) sa pag-accomodate sa amin sa Ilocos. Sobrang na-feel ko naman na pinaghandaan at pinaghirapan nila ng LTS. Sa mga ChE students from other universities, salamat dahil hindi magiging uniquely fun ang experience na ito kung wala kayo. Sa teammates ko, Team Bagnet, [Turururut, BAGNET!] grabe, sobrang saya ko at kayo ang groupmates ko dahil, kahit hindi tayo ganun kagaling sa Charades (minsan kasi yung ibang teams, mental telepathy), super nag-enjoy naman tayo (hehe, Ethics, Analytical Chemistry). Tsaka pala yung Amazing Race. Special mention kay Jay at Dean, sobrang galing makiusap sa locals para maka-hitch. Salamat din pala kay Atty. Kris Ablan, mainly for the empanada (haha, ang PG), which actually represents his hospitality (may ganun). Nag-enjoy naman ako sa Ilocos, sobrang ganda! At kay Mr. Ryan Mercado na rin. Marami akong natutunan sa seminar/activities. Huli, salamat sa officers ng PIChE dahil sobrang nakita ko na nahaggard kayo sa LTS para lang ma-enjoy ng mga tao yung event, at para na rin marami kaming matutunan. Salamat, salamat sa lahat.

Sobrang ganda ng Ilocos. Wala lang. At least totoo ngang dapat puntahan lahat ng lugar sa Pilipinas dahil maganda naman talaga. Medyo larger than life yung windfarm sa Bangui at yung view from the lighthouse sa Burgos.

Places in Ilocos Norte we visited:
1. MMSU (Batac) - Parang UP. Mainly because napagod ako sa paglalakad from Track Oval to COE. Kabikabila ang mga palayan, na malamang ay pinag-aaralan ng agriculture students. I <3 MMSU.

2. Batac Church - Dito kami nagsimba nung Sunday. Weird yung Ilocano songs kasi siyempre hindi naman ako maruning ng Ilocano. It provided insight on the Ilocano language. Parang ang haba nung words nila. Pero I've learned to respect the Filipino languages naman from Lingg 1.

3. Laoag Market- Shopping sa palengke. Parang Alabang market lang, pero maraming other things like the very big pamaypay and sukang Iloko and Basi (tama ba ito?). Sobrang tumawad kami sa mga Ate (Manang) Chichacorn at ayaw na nila ibaba yung price, pero ganun na daw pala yung price ng Chichacorn. Sorry mga Ate. [Tapos nag-muMultiply din pala si Ate.]

4. Museo Ilocos Norte (Laoag) - Basically, pinakita lang nito ang buhay ng mga Ilocano. Medyo pang-foreigner siya (like one foreigner who commented in the guest book that she was offended by one woman's remark about her and the Ilocos heat and losing weight). Please view pictures from this place where Janine and I roleplayed with the exhibits.

5. Laoag in general - Yung church nila ay may sinking bell tower. Kita yung doorway na half-submerged na. Ang ganda rin ng kapitolyo. Maraming mga kalesa. May compound where they sell empanadas. Nakita namin si Kris Ablan dito, accidentally. Nilibre niya kami ng empanada. Kakaiba pala yung empanada dito. Orange, crispy and eaten with ketchup. Yummy. See pics.

6. Paoay Church - UNESCO Heritage Site pala ito. Sobrang luma na ng church na ito. As in 1500s ata ito tinayo. Maganda, seashells yung ginamit nila sa walls.

7. Paoay Lake and Vigan House - Yung Vigan House ay actually ang Malacanang of the North. Ito daw ay tinutuluyan nina Marcos sa Ilocos nung presidente pa siya. Ang ganda ng view overlooking the lake. Ang weird ng feeling na nandun ka mismo sa bahay kung saan nangyari ang important historical events, gaya ng pag-babath tub ni Imelda. Hehe.

8. Pagudpud (say it with an American accent: paGOODpud)- The beaches here are phenomenal. As in better than Zambales. Calm yung waves, clear yung tubig at yung alat niya ay alat lang, walang clay/lupa taste. Ang ganda pa ng view. Souvenir shopping. Best lunch EVER. With and without sarcasm.

9. Windfarm (Bangui) - Parang kami ni Janine yung pinaka-excited dito dahil sa EgyE. At least kami nakita na namin siya. Dito kasi dapat yung field trip. Pero ang layo kaya. Pero dun lang kami sa viewdeck due to time constraints. May video ata si Janine nito.

10. Lighthouse (Burgos) - This is somewhat historical, pero hindi ko na maisip ngayon kung bakit. Basta kasi 5 mins lang kami dun. Dun sa pinakamataas na pwede puntahan ng tao (sa base ng tower), sobrang ganda ng view. As in yung dagat, infinitely spreading 120 degrees siguro in front of you. Tapos green landscape. Breathtaking.

Yung mga landscapes - Ang ganda lang talaga. Yung mga bulubundukin ay 'broccoli'-looking pa rin. Meaning marami pang puno. Tapos marami pang sun-related pics. Please see album, mine or one of the participants.

Oo nga pala, nag pic-taking din pala kami ni Pat and Tricia sa train sa Luisita, Tarlac. Will try to get those from Tricia.

And again, the link to the pictures: clickme

-----
Last emo: Mahirap pala talaga ang relationships no? Napakacomplicated. Design of humidification equipment is way easy.

1 Comments:

Blogger Kris Ablan said...

Hello there! I am glad you enjoyed your stay in Ilocos Norte! Hope you come back and invite your family and friends to visit us.

Warm regards,
Kris

ps: Historical and Burgos Lighthouse kasi ito ang oldest lighthouse sa Luzon. Its more than a hundred years old. :)

November 28, 2007 10:17 AM  

Post a Comment

<< Home