mga random stuff-tagged by Duane
RULES:
- Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves
- Bloggers tagged need to write on their blog about their ten things and post the rules.
- At the end of your blog, you need to choose 10 people you`re going to tag and list their names.
1. Nung bata ako, geography freak ako. Memorized ko lahat ng flags ng mga bansa. Kaso, nakalimutan ko na. Mahilig din ako umalam ng mga bayan at lungsod pag bumibiyahe. Gusto ko rin yung nag-aalala ng mga daan. Kaya ang saya ng review ngayon kasi nakakagala ako sa Manila, na napaka-foreign sa akin. Pero nagegets ko na siya somehow. Mahilig din ako magbigay ng directions.
2. Wala lang ito, pero ang northernmosst na napuntahan ko sa Pilipinas ay sa Ilocos Norte. Southermost ay Negros Oriental, easternmost ay Quezon (sa Tayabas ata) at westernmost sa Palawan. Hindi pa ako lumalabas ng bansa bagamat may passport na ako.
3. Hindi ako na-aaddict sa mga laro sa computer, Playstation, Gameboy, etc. Maikli ang attention span ko sa mga ganyan. Yung Dynomite lang ata yung pinakamabenta sa akin. Kaya nung bata ako, batang kalye ako. Napapagalitan dahil gabi na umuuwi. Eh taguan time kaya pag gabi. Ang panget nun laruin pag may araw pa.
4. Hindi ako mahilig sa sports. Sobrang lapit lang kaya ng half-court (basketball) sa bahay namin dati. Pero dahil mahiyain ako at di ko talaga natutunan at nagustuhan ang basketball, hindi ako naglalaro nun. Kung ano lang sport ang kailangan sa PE nung elementary at high school, yun lang. Pero, outside of that, wala. Pero nakapunta na ako ng Nayong Pilipino (grade 5 ata ito) para maglaro ng Patintero for some inter-school. Nadefault ata kami kasi kulang kami ng isa. Anyway, halos lahat naman ng sports na-encounter ko na sa PE. Except yung mga mahal like jai alai and golf, or yung nagrerequire ng snow and ice like skiing, skating and hockey, and football pala. Pero wala talaga.
5. Favorite subject ko ang science. Nung high school, science at math. Nung college, nag-Chem Engg ako. Pero gusto ko rin mag Applied Physics. Science ang best subject ko. Scientific ang utak ko. Pero ngayon, gusto ko nang maging writer sa isang sitcom or series, chef, movie staff (yung pag nagshushoot) or maging part ng Hollywood press. Bukod sa pagiging chef, gusto ko talaga magshowbiz, di ba?
6. Nahihirapan ako magdecide on my own. Partly because I consider a lot of variables. Kaya kung pwedeng 'go with the majority' yun na lang. Kaya madalas ko sabihin ang 'kung anong gusto niyo'. Pag ako lang mag-isa, sobrang tagal ng decision-making process.
7. Tamang-tama sa number, pito kaming magkakapatid. It has its good and bad sides. Anim yung aalagaan mo (pangalawa pala ako, but then), tapos magulo sa bahay lagi. Pero pag galit ka sa isa, may lima pa na pwede i-hug. Pero siyempre yung matatanda, hindi na chummy. Sa mga bata na lang.
8. Hypersensitive ako. I mean, yung bibig ko. Hindi ako kumakain or umiinom na sobrang malamig at mainit. Hindi ako umiinom ng sobrang ice-cold na tubig. Di ko kaya ipasok sa bibig ko ang isang malaking chunk ng ice cream hindi dahil hindi yun kasya sa bibig ko, pero dahil ang lamig kaya nun! Tapos mainit na kanin, no. Mainit na kape, no. Pero may range naman na kaya ko yung temp. Kaya pag uminom ako ng kape, mainit pa rin, di nga lang piping hot.
9. Ayoko ng paputok. May minimum distance dapat ako sa paputok bago ko ma-appreciate yun. Tapos kailangan maganda at may effects. At dapat alam ko na may puputok. Bawal biglaan. So sobrang X sa akin yung kwitis at five star. Ingay lang yun.
10. I always see the glass half-full. Mahalaga kaya yun. Perspectives change everything. Nakikita ko lang yung glass na half-empty kung ako ang uminom nung kalahati.
And for this, I tag: Ailen, Yahwe, Pat, Ceres, Janina, Dale, Mon, Gayle, Sharra and Von (Ali) Pasensiya na sa abala. Wag niyo gawin kung ayaw niyo/nagawa niyo na.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home