Friday, June 06, 2008

dear ate charing

Itago niyo na lang po ako sa pangalang Dodong. Isa lang po ang pinapangarap ko sa buhay, ang maging isang artista.

Hindi ko naman po pinabayaan na mawala ang pangarap na ito kaya po ako ay sumali sa iba't ibang workshops and talent searches. Marami na pong nagreject sa akin dahil sa iba't ibang dahilan. Sabi nila, wala daw po akong personality, mukha daw po akong pusit, di ako marunong mag hard drama, mukha daw akong action star na panget. Huh? Action star ka na nga, panget ka pa? Ano yun, Max Alvarado? Pero alam ko naman po na hindi totoo yun. Kaya po nagsimula akong umextra-extra sa mga pelikula at TV show. Nung una po, goons lang ang papel ko. Tapos naging formula best-friend, hardinero, driver, body guard, passerby, testigo, tindero at sa wakas, nagkaroon na po ako ng major role. Kaso ito po yung tipong soap na panghapon. Naging masaya naman po ang trabahong ito. Ngunit napaisip po ako. Ano ba talaga ang gusto kong genre? Hindi ko pa natatry mag bold movie, pero naisip ko na hindi naman ata maganda yun. Masaya naman ako sa current genre ko. Natuto na ako mg hard drama, kaso di ko po alam kung ito na ba ang tamang genre para sa akin.

Ate Charing, kailangan ko po ng tulong. Ano po bang magandang career path na tahakin?

Nagmamahal,
Dodong

Oi hindi to allegory or similar ha? Katuwaan lang to. Reply with your best Ate Charing advice!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home