intellectual conversations with lucky
Wala lang. In fairness, tuwing magkakasama kami ni Lucky, lagi kaming may ganitong conversations. LOLZ read. Pero may katuturan naman.
#1 (on the ride home from Zy's party)
Darl: May nahuli nga na teller (ng tollgate) na nag-ipit ng pera sa--alam niyo yung brief, di ba may bulsa yun sa harap?--doon.
Everyone: Ay, grabe naman yun (or an assortment of similar reactions)
Jerome: What if magdala ka na lang ng bungkos-bungkos na pera para pag nagnakaw ka sabihin mo na dala mo yun?
Darl: Di pwede magdala ng gamit sa booth.
Jerome: Eh kung ibulsa mo?
Lucky: What if magsuot ka ng damit na gawa sa pera?
Jerome: What if barya? Pero konti lang mapupuslit mo.
#2 (dun din)
Jerome: May tanong ako. Pag nanghiram ka ba sa bangko, kunwari, 10k for an investment, tapos naisip mo kinabukasan, "Ay, wag na lang!", pag binalik mo ba yung pera may interes na?
Lucky: Oo. Pero alam ko dinidiscount na yung interes agad. Kasama na yung interes agad.
Jerome: So kung gusto ko manghiram ng 10k, kailangan hiramin ko 10k(1+i) raised to n?
Darl: Wow, yan pala ang idea niyo ng small talk.
Lucky: Oo. (thinks) Ay hindi, kasi kung ganun, magiging 10k(1+i) raised to 2n na yung babayaran mo.
Jerome: HA? Di ko magets.
Lucky: Kasi mas malaki yung hihiramin mo kaya mas malaki yung interes.
Jerome: Ah. So dapat mas maliit?
Lucky: Hindi rin kasi 10k nga kailangan mo.
(after ilang days, nagkita ulit kami, May 15)
Jerome: So magkano nga dapat hiramin mo?
Lucky: Kunin mo ang future worth ng 10k.
Jerome: Eh hindi kasi yung hihiramin ko ay in the present.
Lucky: E di present worth ng 10k.
Jerome: E di mas maliit yun.
Lucky: Oo nga no.
Jerome: Tsaka yung present worth ng 10k na hihiramin ko ngayon ay 10k din.
Lucky: E di hiramin mo 10k.
Jerome: Oo nga. Yun ang realidad. May interest.
Lucky: Wala ka talagang magagawa.
Jerome: Pero kung isang araw lang may interest na?
Lucky: Oo. Continuous yun eh.
Jerome: Eh kung umaga ako nanghiram tapos hapon?
Lucky: Siyempre may bayad na rin yun. Mga financial fee.. Tsaka yung pagod ng bangko.
Jerome: Eh kung kunwari ito yung bungkos (gestures) tapos ipapatong na sa kamay mo, tapos naisip mo, wag na lang.
Lucky: Napagod na yung mga taga-bangko.
Jerome: Hay naku, itanong na lang natin kay Joy, taga bangko yun.
#3 (May 15 sa Ayala)
Lucky: Pano mo majujustify na libre ang mga pulis sa bus?
Jerome: Para pag na-hold-up, proteksyon?
(thinks)
Lucky: Dapat iba na lang. Dapat mathematicians.
Jerome: Bakit? Dapat Chem Engg kasi kami gumagawa ng gasolina.
(thinks)
Jerome: Hindi pala, kasi kami na nga kumikita tapos libre pa kami.
Lucky: Dapat mga teacher.
Jerome: Dahil kayo ang gumagawa ng mga professionals at kayo rin ang gumagawa ng marami pang teachers?
Lucky: Oo.
Jerome: Dapat senior citizens.
Lucky: Oo nga. Kesa mga pulis, e ang lalakas pa nun. Eh yung matatanda mahihina na yun.
Jerome: Sila ang mas nangangailangan sumakay.
Lucky: Dapat mga magsasaka.
Jerome: Dahil sila gumagawa ng pagkain? Dapat mga may kotse. Pero pwede namang wag na sila magkotse kasi malilibre sila.
Lucky: Dapat mga CEO. Nagbubus ba ang mga CEO?
Jerome: Pwede. Pag maliit lang yung kompanya, tapos palugi pa. CEO ka nga pero di ka mayaman. Dapat yung mayayaman kasi di naman sila nagcocommute.
Lucky: Dapat pangulo ng Pilipinas, libre.
Jerome: Hm.
Lucky: Pero kung sumakay si GMA, pagbabayarin mo ba siya?
Jerome: Dapat mga corrupt na opisyal na lang. Pagdineclare nila na corrupt sila na opisyal, libre nga sila pero bugbog naman sila sa ibang pasahero. Di ba?
LOLZ.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home